“The Rocketship”

05|17|14

“Anim na araw bago pumatak ng isang taon,
Sa pagtatapos ng isang matamis na panaginip,
Nagising. Napapikit. Napangiti.
Sapagkat bakas na gusto maging totoo,
At malapit na iyon dumating.
Tila’y lumalamig, humangin
Ang noong mainit at malagkit,
Parang nakiayon ang panahon,
Ibinalik ang isang taon.
Nararamdaman pa ng bawat tibok
Ang mapusok na kaakibat nito.
Sa bawat pagninilay na nangyari,
Kinilabutan. Kinilig. Ikinasaya.
Alalang alala pa, ika nga,
Kung paano unang napagtantong
‘Iyon na iyun. Ito na iyon.
Walang pagdududa.’
At sa kabila ng masalimuot na pighati
Na damang-dama pa din,
At sa pagtulo ng bawat patak mula sa mata,
Ay maliwanag na masisilayan
Ang nagmistulang krystal na kagandahan–
Matatag, kahit bumabagsak.
Maliwanag, kahit dumidilim.
Kumikinang, kahit kumukulog.
Lumiliyab, kahit bumabagyo.
Sa patuloy niyang pag-agos ay naisip–
Ilang beses na nga bang sinabi
Ang mga salitang ni minsan nung una,
Ay di inaasahang masasabi?
Ngunit sabihin na nating wala pa sa oras,
Kahit sabihin pang hilaw o kulang pa…
Pero walang pagsisisi, walang pangangamba.
Kahit may takot itong kasama
Sa hinaharap na walang pasabi–
Patuloy ang pagtiwala,
Patuloy ang paglaban.
Tunay nga, sa Diyos ay walang aksidente,
Ni minsa’y di nagulat,
Alam lahat at bawat bakit sa lahat.
Ganoon din naman dito,
May rason na patuloy inaalam–
Binabago, pinapatibay,
Tinuturuan, ginagabay.
Ito ang tiyak na pagmamahal–
Walang kundisyon,
O sa kahit anong kundisyon pa,
Ito’y isang desisyon na nangangailangan
Ng sakripisyo sa sarili–
Buong-buo, ibibigay.
Buong-buo, ipapadama.
Ito ang punto sa oras na hindi na babalik pa–
Isang taon ang nakalipas ngunit
Andito pa din, patuloy na napagtatanto–
‘Iyon na iyun, ito na iyon,
Walang pagdududa.’
Ito ang raketa ng pagmamahal ko sayo,
Patuloy na tinatagusan at nilalagpasan
Ang dulo ng walang hanggan.”

Advertisements

3 thoughts on ““The Rocketship”

    • Hehe. Thanks Mentor! I myself never expected to see this too! This is my 3rd Filipino poem, and I’m glad that although my majorship is Literature in English, still I got to be exposed in thr Philippine language and literature as well. ^_^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s