“Repurcussion Called Forgiveness”

06|06|14
Last poem before I turn 19.

“Sadyang mahirap maibalik
Ang minsang nabasag na salamin.
Para bang pag-asang punit-punit.
Nawaratwat. Di na kumpleto.
At sa bawat pagtingin dito
Ay makikita ang lamat.
Na gumuguhit at tumatagos,
Di na mababago.
Napakatanga na lang
Para sa bumasag nito.
Ang sarap itapon ng sakit ng bawat bubog
Sa kanyang makapal na mukha.
Sarap iparamdam ang tumatagos na mga sugat na tumatatak.
Pero ikaw. Imbes na ihagis pabalik
Ang naramdamang hapdi,
Niyakap mo na lang,
At isa-isang pinagdikit.
At iyong Dugong umaagos
Ang nagsilbing pandikit–
Yung Dugong umaagos mula sa puso,
Sa kanyang bawat pagtibok para sa
Nagbasag.
Mahika o mirakulo kung maituturing
Ang kapangyarihan ng iyong Dugo
Nabinuo at inayos ang pariwarang salamin,
At ngayo’y nabigyan ng isa pang pagkakataon
Na ipamukha sa lahat,
Ang tunay na panggaling
Na sayo lang nanggagaling.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s