“Kontra Hilo at Lula”

06|09|14

“Ganun pala iyon.
Sa bawat sagi ng sakit sa isip,
Mas napwepwersang tumayo.
Hindi ba?
Kahit hilong-hilo na,
Kahit umiikot na ang paningin,
Susubukan, pipiliting
Tumindig at manatiling tayo
Sa orihinal na pwesto,
O lumakad ng diretso–
Patungo sa hinaharap,
Na kahit lumalabo dahil sa hilo,
Nananatiling naglalakad.
Lakad pa, lakad.
Kahit binti at paa’y nanghihina;
Kahit katawan ay nanghihinalo,
Hangga’t tumitibok ang pusong ito,
Patuloy ang pagusad.
Kahit parang trapik na mabagal,
Hanggat dumadaloy ang langis,
Umaagos ang enerhiya
Ay hindi hihinto.
Hindi ba?
Kalimutan ang sakit na sumasagi sa isip
Na kahit kinakailangang maramdaman,
Ay ipagpapatuloy ang byaheng ito–
Hanggang sa huling tibok
Ng pusong ito.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s