“Lisa(n)”

“Maliit pero matapang.
Malusog at makisig.
Iyan ka naman diba?
Umiikot sa mga ulo ng mga inosente,
Kumakapit sa kanilang kahinaan,
Gumagapang hanggang sa tuktok
Upang makamtan, mahawakan,
Tsaka ay kakagatin at hihigupin
Ang minimithing malasahan–
Yan ang matamis na simpatiya
Na onti-onti mong minamasahe.
Ito nga ang nagmistulang kati,
Na aakalain ay sarap ng kilig,
Pero di namamalayan,
Nawawala na sa tamang isip,
Sapagkat kasabay ng pagmamasahe,
Ay ang pagikot ng mga isipan
Na parang pandesal na ihinugis
Sa ninanais mong ‘katotohanan’,
(Kung yun man ay totoo).
Binobola, hinihilo,
Hanggang sa paningin ay wala na,
Nabulag, na kahit kamutin ang ulo
Ay di na makikita.
Yan ang iyong ‘gawain’
O mas dapat na tawaging
‘ministeryo’ mo.
At pilit mo pang dalhin ang mga nabiktima mo
Sa ganitong pamumuhay–
Ibang klaseng peste ka, ano?
Sumasakit na ang ulo at dumudugo,
Pero sasabihin mong tama lang yan.
Ano, kailan pa naging tama ang mali?
Naging masarap ang makati at masakit?
At kailan pa naging matalino ang ginawa mong tanga?
Hindi ko alam kung anong klaseng anghel kang
Bumagsak o napadpad sa mga inalipores mo.
Pero ito lang masasabi ko,
Maaring nagtagumpay ka sa akin,
Pero di nagtagal may nagsuklay sa akin
Upang ipamukha ang pangangailangan mong
Tuluyang lumisan sa ulo ko,
At hayaan mong ang kamay naming dalawa.
Ang pumisil sa malaki mong ulo.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s