“Organic Eye-Mo”

07|03|14

“Sabi nya,
‘Umuulan na ba diyan?
Umuulan kasi dito.’

Sabi ko,
‘Hindi pa eh.
Hala huwag naman sana…’

Kaso pagtingin ko sa itaas,
Nalaman ko ang totoo.
Umuulan na pala.

Napa-oo na lang ako sa sarili ko,
Napatungo at sabi ko na lang,
‘Naulan na din dito.’

Alam kong alam niya din yun,
Na hindi lang simpleng ulan yun.
At dahil yun sa pagaalala,
Kaya naman sila ay bumagsak na.

Hindi na mapigil, matiis,
Kusa na lang pumatak.
Ika nga, yan ang ulan–
Patak ng tubig na gustong lumaya.

Naiintindihan niya din yun,
At alam kong kung pwede lang ay
Pupunasan niya ang basang sahig.

Pero ayos lang na huwag na (muna)…
Hayaan nating lumago ang lupang ito,
Nawa’y maging mas matibay pa ito,
Sa mga susunod na bagyong darating pa.

Sa katagan ng pundasyong ito,
Hindi na guguho ang lupang ito,
Mananatiling nakatayo ng matuwid,
Umulan, umaraw, mananatili,

Walang iwanan.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s