“Collective Unconscious”

08|10|14

“Ano nga ba ang pinagkaiba natin?
Parehas lang naman tayong
Malayang nagpapakulong
Sa isang bilangguang
Mala-langit para sa atin.

Ano pa nga ba?
Tama ka. Parehas tayong
Umiyak, lumuha ng dugo.
Nasaktan ng lubusan,
Pero napasaya naman ng todo..
Dito sa lugar na ito.

Parehas lang pala,
Nagpapauto, nagbubulag-bulagan,
Nagpapasakop sa ganitong
Kapangyarihang dakila–
Na kayang kunin ang lahat
Nang tayo ang kusang magbibigay nito.

Eh. Bakit pa tayong parang
Pusang nagaaway?
Iisa lang naman pala
Ang ating minimithi,
Pinapalangin,
Pinapangarap?

Maaring sa ibang anggulo tayo
Nakaharap, nakatugon.
Pero sa dulo noon ay iisa ring diwa:
Makawala–
Mahanap, malanghap,
Matikman ang ninanais,
Magpakailanman–
Nang may layang ipahayag
Sa buong sanlibutan.

Iyan tayo. Magkakaiba lang
Sa mukha’t pangalan,
Sa tinatahak na landas,
Ngunit iisa ang destinasyon–
Ang katapusan,
At ang kasunod na

Walang hanggan.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s