“Stained. Tainted. By Dye”

07|08|14

“Ginuguhitan, Tinutuluan,
Pinipinturahan.

Kung hindi ka pa magiging manhid,
Lalamunin ka ng iyong pagdadamdam,
Lulunurin ka ng iyong luha,
Lalapatan ka ng iyong pagninilay
Ng isang marka, di mabubura,
Di maitatanggi o maitatago.
Iyan ka, at iyan ang pinili mo,
Sa kagustuhan mong kontrahin ang
Kadalian, at kamanhiran.
Ito na iyun. Ang mahirap na sinasabi mo,
Na nung huli na ay ginusto mo.
Walang sisihan, hindi ba?
Aatras ka na ba? Tatalikod,
At tatawid sa kabilang daan?
Aalis ka na lang ba (ulit) ng
Walan pahintulot, at sa huli ay
Taintim na pagsisisi?
Maging mapanuri, matiyaga.
May kakayahan ang maliit na puso
Na paganahin ang bawat pulso
Upang ituloy ang nasimulan,
At panindigan hanggang sa huling tibok.
Eh ano kung lamunin ka na ng buong-buo?
Lunurin ka na ng tuluyan?
At lapatan ka ng walang takas?
Nawa ang markang ito ay tumatak,
Sapagkat ikaw na iyan, at iyan
Ang pinili mo, hindi ipagpapalit
Ang hirap na alam mong kakayanin,
Sa kaginhawaan ng paglisan,
Kailan pa man.

Guhit pa. Tulo pa.
Pintura pa.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s