Sa Paglaya ng Damdamin

“Paulit-ulit kong napagtatanto
Na lagi kong tinatanggal ang sarili–
Sa loob ng isip at puso,
Aking kaluluwa’y palabas kong hinihila.

Ganito ko mailalarawan
Ang pagpapakakumbaba–
Hinugot na salita mula sa puno nito,
Aking kaluluwa’y aapakan ng husto.

Sa tingin ng karamihan, pangaapi
Ang mistulang pinalalaya ko–
Pero kung kapalit ay ikabubuti nila,
Mayroon pa ba silang karapatang humusga?

Sa paglabas sa sariling katawan
Ako ay lubusang nakalaya–
Dahil sa oras na nasa ibaba ako,
Dun ko mararamdamang itinataas ako.

Sa mga kamay na marunong mamalo
Nang hindi makakaiwan ng sugat–
Ako ay nananatiling sayo,
Aking kaluluwa’y sayong-sayo upang yakapin.

Ito ang ironiya kung saan
Di tatagos sa puso ang pagod–
Sa pagpapatali dito ay lumalaya,
Aking kaluluwa’y natututong lumipad.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s