“Cliffhanger”

image

062615

“Saan ba yan?
Doon. Kakauwi ko lang e. Bakit?
Andito kasi ako.
Oh? Saan? Magkita tayo.
Nasaan ka ba?
Pabalik na, san ba kita pupuntahan?
Wag na lang. Paalis na ako.
Hintayin mo ako. Puntahan kita jan.
Nasan ka ba?
Paalis na ako e. Sorry. Next time na lang.
Sorry din. Nakauwi na kasi ako kanina nung unang nagtanong ka.”

“Sa mga napundi at nabitin na ikot ng orasan
Tila’y di talaga ako nasasanay.
Sa mga pagkakataong di tumutugma
Ang pagapak, paghakbang, paglakad – –
Ikaw ay pasakay na,
Ako ay paalis pa lang.
Sa mga pagsasalungat ng mga landas at routa,
Ikaw ay dumating pa lang,
Ako ay lumisan na.
Tila’y paikot – ikot na lang.

Nawa ay dama mo ba?
Ang pighati sa aking mata?
Sa tanawing wala ka ay baliwala.
Sa bawat aninong di ko masilayan,
Ako ay lalong nadidismaya.
Habang ako, damang – dama,
Yang kaba sa loob mo
Na di mo malabas – labas.
Na hanggang ngayon ay nagtataka ako
Sa rason ng pangangamba…

Kelan ba magiging hinog,
Ang matagal nang hilaw?
Di pa din ba panahon
Para tayo sa wakas ay magtagpo na?
Ika nga, totoo pala,
Ang dramang binabasa o pinapanood,
Di matapos, di magkatagpo,
Ilang beses pa ba dadaan dito?
Hanggang kailan ako magtatanong ng kailan,
Hahangarin ang inaasam,
Hihintayin ang perpektong oras…

Nasaan ka na ba?
Dahil andito ako,
Nandiyan ka,
Pero hinahanap – hanap pa din natin ang isa’t isa.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s