“Falcon”

071215

“Noong pumatak ang di tumitilang
Ulan ng pagkadismaya,
Ako ay lumabas upang makalikas
Mula sayo, na nagbabadyang buhos
Ng pait na di ko maintindihan.
Hindi ako planggana
Na sa lahat ng oras ay sasalo sayo–
Ako’y mapupuno at aapaw din.
Kaya ako’y (pansamantalang)
Umalis. Di na baleng
Sa ulan ako sumilong,
Maparaya ko lang din sarili ko.

Tumakbo ako palayo sayo,
Karay-karay ang pighating ito.
Ngunit sa pagsapit ng dilim,
Sa panginginig ng mga luhang
Naninigas sa lamig,
Ako ay nakarinig ng tinig na
Alam kong palapit sa akin.
‘Nasaan ka? Bakit mo ito ginagawa?’
Boses na alam kong dati kong kinalulugar.
Nandiyan ka, hinahanap ako.

Ngunit patawad dahil umiwas ako,
Sa takot, lungkot, at galit
Na sumasalimuot — sadyang udyok
Ng bawat yapak ko palihis sayo.
‘gusto kong lumaho, mawala at di na mahanap,’
Iyak na sumasabay sa buhos ng ulan, nagsasabing
Patawarin mo ang pagbuhos ko sayo,
Parehas lang naman tayong taong napapagod.

Ngunit pagsapit ng umaga,
Tumila ang ulan.
At sa pagagos ng baha,
Ako ay nagulat, sapagkat
Ika’y aking natanaw,
Pilit pa ding naghahanap.
At kahit na di pa humuhupa
Ang baha sa ating dibdib,
Inaakay mo ako, palapit sa
Iyong piling.
‘Magandang araw, andito ka na.’
‘Hindi ako tuluyang mawawala.’ “

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s