“Tao po”

08.11.15
“Tao po. Andiyan ka ba? Andiyan ka pa ba?
Ayan ka nanaman.
Kumakatok tapos babawiin ang kamaong nakadikit sa malamig na pintuan.
Kung kailan nahanap ko na ang nawawalang susi sa double-lock,
Ay itinigil mo nanaman ang pangagatok.
At sa pagkawala ng tunog,
Ay nawala na din ang gana kong dumiretso sa pinto.
Alam ko na yan. Kilala na kita.
Oo may gusto kang iparating
Pero hindi ko alam kung sadyang
Ayaw ba ng panahon
O may hiya at takot ka lang sa loob mo na nagpapahinto sa galaw mo.
Kilala na kita. Pangilang beses mo na ba akong nabigo at mukhang di ka nagsasawa?
At ako naman ay parang baliw na lagi nalang binubuksan ang pinto kahit alam kong wala ka naman na sa harapan ko.
Pero ngayon tama na muna. Di ko na yan bubuksan. Itatapon ko na din ang susi upang di ko na sya mahanap pa.
May bago pa ba sayo? Hindi na ako aasa pa.
Sa susunod, ikaw na mismo ang magisip ng paraan para buksan ang pintong ito.
At manalangin ka na nasa loob pa ako.
Dahil madaming bintana, may rooftop, may terrace.
Marami akong gamit. Madami akong nakayang gawin kahit wala ka.
Kaya wag ka na rin magtaka sa akin.
Dahil kaya kong tumalon. Tumakbo. Lumipad. “

Advertisements

3 thoughts on ““Tao po”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s